Arestado ang isang tricycle driver matapos batukan ang isang batang estudyante sa Tarlac City, ang insidente, nasapul pa sa CCTV at agad kumalat online.
Sa ulat ng mga pulis, agad nilang natunton ang suspek sa Brgy. Tibag matapos magsumbong ang mga magulang at kaanak ng biktima.
Ayon sa mga imbestigador, patuloy pa nilang inaalam ang motibo ng pananakit na umani ng matinding galit at pagbabanta mula sa mga netizens.
Ang video ng insidente ay mabilis na nag-viral sa social media, dahilan upang makialam na rin ang National Commission on Muslim Filipinos. Sa pamamagitan ng Bureau of Peace and Conflict Resolution, sumulat ito sa PNP-PRO3 para tiyaking mabigyan ng hustisya ang bata.
Agad namang nakatanggap ng tulong at atensyong medikal mula sa lokal na pamahalaan ang biktima, habang nasa kustodiya ng pulisya ang tricycle driver.
Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon at sasampahan ng kaukulang kaso ang suspek. | via Ghazi Sarip
