Iginagalang ng Department of Education (DepEd) ang kapangyarihan ng mga lokal na pamahalaan (LGUs) na mag-suspinde ng klase para sa kaligtasan ng publiko.
Gayunman, paalala ng DepEd na dapat itong gawin nang may balanse at pag-iingat. Mahalaga ang kaligtasan, ngunit ang matagal na suspensyon ng klase ay maaaring makaapekto sa pagkatuto at pag-unlad ng mga estudyante.
Makikipag-ugnayan ang DepEd sa mga Schools Division Offices upang masiguro na may mga alternatibong paraan ng pag-aaral para sa mga apektadong mag-aaral.
Pangunahing layunin umano ng kagawaran ang pagpapatuloy ng edukasyon sa lahat ng pagkakataon. Hinihikayat din ng DepEd ang mga LGU na regular na suriin kung kinakailangan pa ang suspensyon ng klase para sa kaligtasan ng publiko. | via Allan Ortega
