Martin Romualdez humarap sa ICI kaugnay ng mga alegasyon ng korapsyon

Humarap si dating House Speaker Martin Romualdez sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang fact-finding anti-corruption body na binuo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na pinsan niya.


Kasunod ito ng pagkakadawit ni Romualdez sa umano’y kickback scheme kasama si nagbitiw na kongresista Zaldy Co. Ayon kay Romualdez, handa siyang makipagtulungan sa imbestigasyon at nilinaw na hindi siya bahagi ng bicameral conference committee, kung saan sinasabing nangyari ang mga “budget insertions.” Giit niya, gusto niyang makatulong sa paglabas ng katotohanan.


Nasangkot ang pangalan niya matapos umanong banggitin ng ilang mambabatas sa pangongolekta ng kickback, ayon sa mag-asawang Discaya pero nilinaw ng mga ito na hindi nila direktang nakausap si Romualdez.


Si Orly Guteza, dating sinasabing security aide ni Co, ang unang nag-akusa na nagdala raw siya ng 35 maleta ng pera kay Romualdez bagay na mariing itinanggi ng kongresista. Kalaunan, binawi ng abogadong umano’y nagnotaryo sa affidavit ni Guteza ang dokumento, dahilan para kwestyunin ang kredibilidad ng akusasyon. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *