Handang magbigay ng tulong pinansyal ang Government Service Insurance System (GSIS) sa kanilang mga miyembro at pensioner na apektado ng malakas na lindol sa Davao Oriental noong nakaraang linggo.
Sa ilalim ng GSIS Emergency Loan Program, ang mga kwalipikadong miyembro at pensioner na naninirahan o nagtatrabaho sa mga apektadong lugar ay maaaring humiram ng hanggang โฑ40,000 kung mayroon silang emergency loan o hanggang โฑ20,000 naman kung wala.
Ang mga miyembro ay maaari nang mag-apply ng kanilang emergency loan sa pamamagitan ng kanilang GSIS Touch mobile app, GWAPS kiosk o over-the-counter at direkta nang makukuha ang kanilang loan sa kanilang mga GSIS ATM card.
Tiniyak naman ni GSIS President at General Manager Wick Veloso na prayoridad nila ang pagbibigay ng ginhawa at seguridad lalo na sa panahon ng kalamidad.
Samantala, nakipag-ugnayan na rin ang ahensya sa lokal na pamahalaan upang masuri ang mga ari-arian ng gobyerno na may insurance at posibleng napinsala, para sa mabilis na pagproseso ng mga insurance claim at ang agarang pagpapanumbalik ng mga serbisyong pampubliko.
Bukod dito, naglabas ang GSIS ng mahigit โฑ346 milyon na emergency loan sa mahigit 12,000 miyembro at pensiyonado sa Cebu kasunod ng malakas na lindol at kanila ring bubuksan ang emergency loan window sa iba pang lugar na naapektuhan ng lindol kapag naisailalim na ang mga ito sa state of calamity. | via Alegria Galimba
