Libreng serbisyong libing para sa mahihirap, isa nang ganap na batas

Isa nang batas ang panukalang nagbibigay ng libreng serbisyong libing para sa mga mahihirap na pamilya na walang kakayahang magpalibing nang maayos sa kanilang mga yumao.


Sa ilalim ng Republic Act 12309 o “Free Funeral Services Act”, saklaw ng indigent funeral package ang paghahanda ng mga dokumento, embalming, burol o libing, transportasyon, cremation, at inurnment.


Ang batas ay awtomatikong naging epektibo noong Setyembre 28, matapos hindi malagdaan sa takdang panahon.

Ayon dito, kabilang sa “mahihirap” ang mga pamilyang ang kita ay mas mababa sa poverty threshold o hindi sapat para matugunan ang pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, edukasyon, at tirahan, alinsunod sa RA 8425.


Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mangunguna sa pagpapatupad ng batas, kasama ang mga accredited funeral establishments sa buong bansa.

Kailangang magsumite ng valid ID, death certificate, at funeral contract ang pamilya ng yumao, at sasamahan ito ng social case study mula sa isang rehistradong social worker.


Ang mga lalabag sa RA 12309 ay papatawan ng multa hanggang ₱200,000 at maaaring masuspinde ang kanilang lisensya ng hanggang anim na buwan. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *