PNP, magre-recruit ng mahigit 6,500 bagong pulis

Binuksan na ng Philippine National Police (PNP) ang nationwide recruitment para sa mahigit 6,500 bagong pulis.

Sa bilang na ito, 5,639 slots ang nakalaan sa 17 Police Regional Offices, habang 900 positions naman ang ibabahagi sa mga National Support Units gaya ng Anti-Kidnapping Group, CIDG, Drug Enforcement Group, EOD/Canine Group, IMEG, Communications and Electronics Service, Headquarters Support Service, at Special Action Force.


Ayon kay Acting PNP Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., layunin ng recruitment na palakasin ang serbisyo publiko ng pulisya sa ilalim ng Bagong Pilipinas vision.

Hinihikayat niya ang mga makabayan at handang maglingkod na Pilipino na sumali, at iginiit na libre ang aplikasyon.


Binalaan naman ni PNP Public Information Office Chief Brig. Gen. Randulf Tuaño ang mga aplikante laban sa mga fixer at nag-aalok ng bayad na tulong.

“Walang shortcut, walang fixer dumaan lang sa opisyal na recruitment channels ng PNP,” paalala ni Tuaño. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *