Easterlies, magdadala ng ulan sa ilang bahagi ng Pilipinas

Malawak na bahagi ng bansa ang makakaranas ng pag-ulan dahil sa umiiral na easterlies, ayon sa PAGASA ngayong Lunes.

Apektado ng mga scattered rains at thunderstorms ang Bicol Region, Eastern Visayas, Isabela, Aurora, Rizal, at Quezon. Posible ang flash floods o landslide dahil sa katamtaman hanggang malakas na ulan.

Sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon, at Visayas asahan din ang isolated rain showers o thunderstorms dahil sa parehong sistema ng hangin.

Samantala, sa Mindanao, mananatili ang mga localized thunderstorms na magdudulot din ng paminsang pag-ulan.

Kalakip nito, magiging mahina hanggang katamtaman ang hangin at banayad ang alon sa buong bansa.

May namataan ding low pressure area (LPA) sa layong 2,540 kilometro silangan ng southeastern Mindanao, sa labas pa ng Philippine Area of Responsibility. Ayon sa PAGASA, maliit ang posibilidad nitong maging bagyo sa susunod na 24 oras. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *