Isa sa tatlong mga suspek sa pamamaril at pagpatay sa isang lalaking naghahapunan sa loob ng kanyang tahanan sa Tondo, Manila noong Linggo, October 5, ang naaresto matapos ang follow-up operation ng pulisya.
Ayon sa Manila Police District (MPD), kinilala ang suspek na si Bernabe Soria Jr. o alyas “Teteng”, 42-years-old, at residente ng Aroma Compound, Tondo. Ang suspek ay nasa kustodiya na ng MPD ngayon.
Patuloy pa ring tinutugis ng mga awtoridad ang kasamahan ni alyas “Teteng” na sina Marcos Morallos o alyas “Naldo”, at si Loui Soria o alyas “Tutong”. Silang lahat ay nahaharap sa kasong murder.
Ayon sa ulat ng MPD-Homicide Section, habang naghahapunan ang biktima sa loob ng kanyang bahay bandang 9:00 PM, bigla na lamang dumating ang mga suspek na armado ng baril at pinagbabaril nila ang biktima na nagresulta sa agarang pagkamatay nito. | via Kai Diamante
