Binisita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang TESDA training facilities sa Taguig City upang tignan kung paano isinasagawa ng ahensya ang world-class technical and vocational education and training (TVET) dito.
Kasama ng pangulo ang Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma at TESDA Secretary Kiko Benitez at kanilang pinanood ang mga demonstrations ng trainers at learners sa iba’t ibang areas gaya ng welding, HVAC, mechatronics, at iba pa.
Pinuri naman ng pangulo ang patuloy na pagbibigay ng TESDA ng tamang kakayahan sa mga Pilipino upang mas paigtingin ang employment sa bansa. | via Kai Diamante
