Muling nanawagan sa pamahalaan si Akbayan party-list Rep. Chel Diokno na ‘i-zero’ ang Unprogrammed Appropriations (UA) sa panukalang 2026 national budget.
Sa isang pahayag, sinabi ni Diokno na hindi sapat ang P40 bilyon na ibabawas sa UA na desisyon ng House Budget Amendments Review Subcommittee dahil higit P200 bilyon pa rin ang nakatago rito.
Giit ni Diokno, itigil na ang mga palusot para maipilit ang UA at mayroon namang supplemental budget, isang legal at malinaw na paraan kung kailangan ng dagdag pondo para sa loan obligations.
Dagdag pa niya, may mga umiiral nang Contingent Fund na P13 bilyon at NDRRMF (Calamity Funds) na P31 bilyon na binanggit ng Malacañang.
Ayon kay Diokno, karapatan ng taong bayan na malaman kung saan napupunta ang kanilang buwis.
Nakatakda namang aprubahan ng House of Representatives ngayong araw ang second reading ng panukalang P6.793 trilyon na national budget para sa 2026. | via Andrea Matias
