Isang malakas na lindol na may lakas na magnitude 7.5 ang yumanig sa karagatan malapit sa Davao Oriental nitong Biyernes, Oktubre 10, alas-9:43 ng umaga, ayon sa Phivolcs. Dahil dito, naglabas ng babala sa tsunami para sa mga baybaying lugar na apektado.
Ayon sa Phivolcs, ang sentro ng lindol ay nasa 62 kilometro timog-silangan ng Manay, Davao Oriental, sa lalim na 10 kilometro sa ilalim ng dagat.
Nagbabala rin ang Phivolcs sa posibilidad ng pagtaas ng alon o tsunami. Pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar na agad lumikas papunta sa matataas na lugar at lumayo sa dalampasigan hanggang sa tuluyang alisin ang babala.
Naitala ang mga sumusunod na Intensity:
• INTENSITY V: DAVAO CITY
• INTENSITY IV: BISLIG CITY, SURIGAO DEL SUR
• INSTRUMENTAL INTENSITY V: HINUNANGAN (SOUTHERN LEYTE), GINGOOG, DAVAO CITY, KIDAPAWAN, KORONADAL, AT IBA PANG BAHAGI NG MINDANAO.
• INSTRUMENTAL INTENSITY IV: CEBU CITY, LEYTE, BUKIDNON, CAGAYAN DE ORO, GENERAL SANTOS, AT ILANG BAHAGI NG VISAYAS AT MINDANAO.
| via Allan Ortega
