Pahayag ng China pinalagan ng AFP

Iginiit ng AFP na walang ibang bansa ang maaaring magdikta kung paano palalakasin ng Pilipinas ang depensa nito. Ito ay bilang tugon sa pahayag ng China na dapat alisin ng Pilipinas ang Medium Range Capability (MRC) Typhon missile system ng Amerika. Ayon kay Colonel Francel Margareth Padilla, bahagi ng pagpapalakas ng depensa ng bansa ang mga military exercises kasama ang ibang bansa. Dagdag niya, mandato ng AFP na tiyakin ang seguridad ng Pilipinas laban sa anumang banta, kaya’t patuloy nitong pinapalakas ang kakayahang militar. – via Allan Ortega | Photo via pna.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *