Hinamon ni Kabataan Rep. Renee Co ang Office of the Ombudsman na kasuhan at imbestigahan ang mga umano’y sangkot sa ‘police brutality’ sa ginanap na kilos-protesta laban sa korapsyon noong September 21.
Ayon kay Co, may natatanggap pa rin silang mga balita ng pangha-harass laban sa mga kabataan na dumalo sa kilos-protesta.
Dagdag pa niya, pinadalhan ng subpoena si Jacob Baluyot, isang campus journalist ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) at ang chairperson ng Alyansa ng Kabataang Mamamahayag (AKM) – PUP, at ang isang miyembro ng Kalayaan Kontra Korapsyon (KKK).
Ayon sa kongresista, kailangang may managot sa mga ganitong karahasan laban sa mga kabataang naghahayag lamang ng kanilang kalayaan at karapatan.
Giit niya, maraming kabataan ang nagsasagawa ng campus walkouts dahil hindi pwedeng mag-back to normal habang patuloy ang pagnanakaw sa kaban ng bayan.
Ayon kay Co, may isasagawa namang mga kilos protesta sa October 17 ang mga kabataan at sa October 21 para gunitain ang Peasant Month. | via Andrea Matias
