PDEA sinunog ang ₱16 bilyong halaga ng droga sa Cavite

Sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ngayong Oktubre 9, 2025, ang mahigit ₱16.08 bilyong halaga ng mga delikadong droga sa isang pasilidad ng Integrated Waste Management Inc. sa Trece Martires City, Cavite.


Pinangunahan ni PDEA Director General Usec. Isagani Nerez ang seremonya, kasama si Rep. Jonathan Keith Flores, DDB Chair Oscar Valenzuela, at mga kinatawan ng PNP, DOJ, DILG, at lokal na pamahalaan.
Umabot sa 2.9 milyong gramo ng solid at 14,000 milliliters ng liquid drugs ang sinunog gamit ang thermal decomposition kabilang dito ang shabu, marijuana, ecstasy, cocaine, ketamine, at iba pang illegal substances.


Kabilang sa mga sinunog ang mahigit 1.4 toneladang shabu na nasamsam sa Subic, Cavite, Batangas, Muntinlupa, Calapan, at Parañaque, pati na rin ang 143 kilo ng shabu na nakuha ng mga mangingisda sa Bataan at Batanes.


Ayon kay Nerez, ginagawa ito nang lantaran bilang patunay ng transparency at accountability, alinsunod sa “Bagong Pilipinas” program ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.


Ang ₱16 bilyong halaga ng droga na sinunog ay ang ikalawang pinakamalaki sa kasaysayan, kasunod ng ₱19.9 bilyong nasunog noong Marso 2023. Mula nang maupo si Nerez, nakapagsagawa na ang PDEA ng 14 na destruction activities na nagresulta sa pagkasira ng halos ₱33 bilyong halaga ng droga sa buong bansa. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *