Kinuwestiyon ni Sen. Imee Marcos ang pagkakahirang kay Remulla bilang Ombudsman

Kinuwestiyon ni Sen. Imee Marcos ang pagtatalaga kay Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla bilang bagong Ombudsman, habang pinuna naman ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa ang mga inuuna umano nito sa trabaho.


Ayon kay Marcos, tila “Plan C” na raw ng administrasyon ang pagtalaga kay Remulla matapos mabigo ang People’s Initiative at impeachment moves. Giit pa niya, dapat ay “People’s Ombudsman” ang iluklok isang mapagkakatiwalaan at walang kinikilingan.


Ibinunyag din ni Marcos na may mga kaso pa si Remulla at sinabing “pilit” ang appointment dahil wala pa umanong opisyal na shortlist mula sa Korte Suprema.


Samantala, bagaman iginagalang ni Dela Rosa ang desisyon ng Pangulo, pero nagtataka lang siya kung bakit si VP Sara Duterte agad ang unang gustong imbestigahan ni Remulla kaugnay ng confidential funds kahit na ang daming problema ng bansa gaya ng ghost flood control projects. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *