Makakaranas ng katamtaman hanggang malakas na ulan na may kulog at malakas na hangin ang ilang bahagi ng Luzon ngayong Huwebes, ayon sa PAGASA.
Ayon sa thunderstorm advisory na inilabas ng PAGASA, apektado sa loob ng susunod na dalawang oras ang mga lugar sa Bulacan (Doña Remedios Trinidad, Norzagaray), Rizal (Rodriguez, Tanay, Antipolo), Laguna (Santa Maria, Siniloan, Famy, Pangil, Mabitac, Pakil, Paete, Kalayaan, Calamba), Nueva Ecija (General Tinio, Gabaldon), at Batangas (Calatagan, Lian).
Samantala, nakararanas na ng malakas na ulan na may kulog at hangin ang General Nakar, Quezon, na posibleng tumagal pa ng hanggang dalawang oras at makaapekto sa mga kalapit na lugar.
Pinapayuhan ng PAGASA ang mga residente na mag-ingat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa. | via Allan Ortega
