Inaresto ng National Bureau of Investigation noong Oktubre 7 ang isang vlogger na nag-caption ng larawan ng Pangulo ng salitang “headshot.” Ipinakita ng NBI sa media ang screenshot ng post may pulang guhit na tumuturo sa ulo ng Pangulo at may caption na “headshot,” na ayon kay NBI Director Jaime Santiago ay nagpapahiwatig ng banta (“babarilin ka sa ulo”). Sinabi ni Santiago na anumang banta o tangkang pagpatay sa Pangulo, Pangalawang Pangulo, Senate President, Speaker, o Chief Justice ay nasa primary jurisdiction ng NBI.
Binanggit din ng suspek na nagbibiro lamang siya; inihayag naman ng NBI na pinapahalagahan nila ang kalayaan sa pagpapahayag pero may hangganan kapag umabot sa pagbabanta ng buhay ng mga pinakamataas na opisyal.
Bilang tugon, nagbago ang caption noong Oktubre 8 sa “Tama Talaga Ang City Hall,” at sinabi ng vlogger na na-delete ang orihinal na post at mali ang caption. | via Allan Ortega
