Romualdez at Co, pinatatawag ng ICI

Ipinatawag ng Independent Commission for Infrastructure o ICI sina dating House Speaker Martin Romualdez at nagbitiw na kongresista Zaldy Co kaugnay ng imbestigasyon sa umano’y budget insertions at katiwalian sa loob ng Department of Public Works and Highways o DPWH.

Ayon sa ICI, parehong nadadawit sina Romualdez at Co sa mga maanomalyang flood control projects sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Bunsod nito, naglabas na rin ng subpoena ang komisyon upang personal silang humarap sa pagdinig sa ika-14 ng Oktubre

Samantala, hiniling ng ICI sa Department of Justice na maisama sa Immigration Lookout Bulletin Order sina Romualdez, Co, at ilang opisyal ng DPWH upang hindi makalabas ng bansa habang isinasagawa ang imbestigasyon. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *