Buo ang suporta ng Bureau of Customs (BOC) sa paglaban ng pamahalaan kontra katiwalian.
Nitong Martes, October 7, nagtungo si BOC Commissioner Ariel Nepomuceno sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) para sa isang pulong na siya mismo ang humiling upang magsumite ng mga dokumentong may kaugnayan sa isinasagawang imbestigasyon na kinasasangkutan ng pamilya Discaya.
Kabilang dito ang mga search warrants, warrants of seizure and detention, listahan ng mga importation documents, at mga progress reports na konektado sa mga kaso.
Ipinag-utos naman ni Nepomuceno sa lahat ng mga kaukulang tanggapan ng BOC na makipagtulungan sa ICI at iba pang mga investigative bodies upang masiguro ang patas at komprehensibong imbestigasyon.
Tiniyak ng pamunuan na mananatili itong tapat sa prinsipyo ng pananagutan at transparency sa lahat ng operasyon at imbestigasyon. | via Alegria Galimba
