De-kalidad na edukasyon sa malalayong lugar ng bansa

Pinagtitibay ng Department of Education (DepEd) ang pangarap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maihatid ang de-kalidad na edukasyon sa malalayong lugar ng bansa. Sa kanyang pagbisita sa Cordillera Administrative Region (CAR), binisita ni Education Secretary Sonny Angara ang ilang paaralan sa ilalim ng Last Mile School Program, kabilang ang Jose Gonzales Elementary School, Yabyabuan Multigrade School, Kiwas Integrated School, at Andolor Elementary School. Pinakinggan niya ang hinaing ng mga mag-aaral at guro na nagsisikap sa kabila ng limitadong resources. Pinangunahan din ni Angara ang pagpapasinaya ng bagong gusali sa Andolor Elementary School at Benguet Special Education Center-Inclusive Learning Resource Center. – via Allan Ortega | Photo via DepEd

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *