Pinuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga guro bilang tunay na “bayani” ng bansa sa selebrasyon ng National Teachers’ Day sa SM Mall of Asia Arena, Pasay City nitong Lunes.
Binigyang-diin ng Pangulo na hindi lang kaalaman ang ibinabahagi ng mga guro, kundi pati na rin ang mabuting asal at mga pagpapahalaga na humuhubog sa Kabataan.
Ani Marcos, habang pinuri rin niya ang mga gurong may dedikasyong lampas sa silid-aralan gaya ni Marivic Villacampa ng Cavite na patuloy na nagtuturo kahit may kanser, at ni Mary Jane Riodica ng Laguna na nagtuturo ng kabuhayan at kasanayan sa mga komunidad.
Ipinahayag din ng Pangulo na mahalagang may matatag na suporta ang gobyerno para sa mga guro. Kabilang dito ang tax-free teaching allowance sa ilalim ng Kabalikat sa Pagtuturo Act, patas na teaching load, at mas kaunting paperwork upang makapagpokus sa pagtuturo.
Inanunsyo rin niya ang ₱1,000 insentibo para sa lahat ng guro bilang bahagi ng World Teachers’ Day celebration, at ang ₱26 bilyong pondo na inilipat mula sa flood control projects patungong edukasyon para sa pagpapaganda ng mga silid-aralan, nutrisyon ng bata, dagdag sa sahod ng guro, at makabagong teknolohiya sa paaralan.
Pagtatapos ni Marcos, ngayon ay araw ng mga guro pero ang kinabukasang binubuo nila ay regalo para sa lahat. | via Ghazi Sarip
