Nagsimula na kaninang madaling araw, October 6, ang unang batch ng joint relief operation ng Archdiocese of Cebu – Caritas Cebu, Inc. and LH Foundation Inc para sa mga biktima ng magnitude 6.9 na lindol sa Cebu noong September 30.
Ihahatid ang mga donasyon sa mga apektadong parishes sa Northern Cebu at ang mga ito ay magsisilbing Distribution Centers kung saan pwedeng kumuha ang mga benepisyaryo ng mga donated relief kits.
Sa mensahe ni Cebu Archbishop Alberto Uy, sinabi niya na ang Hatag Paglaum ay iniimbita ang publiko na maging instrumento ng pagmamahal ng Diyos.
Dagdag pa niya, kapag tayo ay nagbabahagi ng mga pagkain, damit, o pera, hindi lang ito ang ating ibinabahagi, kundi pati na rin ang presensya ng Diyos. | via Kai Diamante
