Kumpiyansa si Senate President Vicente Sotto III sa suporta ng mayorya sa gitna ng usap-usapang kudeta sa liderato ng Senado.
Ito ang inihayag ni Sotto kasunod ng usap-usapang may ilang senador ang nagbabalak na lumipat sa panig at suportado kay Senate Minority Leader Alan Cayetano bilang maging susunod na Senate president.
Mag-iisang buwan pa lamang mula nang palitan ni Sotto si Sen. Francis Escudero sa posisyon.
Samantala, sa pagbibitiw naman ni Senate President Pro Tempore Ping Lacson bilang chairman ng Blue Ribbon Committee, sinabi naman ni Sotto na wala pa itong ipinapasang resignation letter sa kanya.
Matatandaang sinabi ni Lacson ang kanyang pagbibitiw matapos ang pagpahayag ng mga kapwa-senador ng pagkadismaya sa imbestigasyon kaugnay sa isyu ng flood control projects. | via Alegria Galimba
