Magbibitiw sa pwesto bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee si Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson.
Ayon kay Lacson, ilang kapwa-senador ang nagpahayag ng pagkadismaya sa paraan ng kanyang paghawak ng imbestigasyon, dahilan upang kusa siyang bumaba sa posisyon.
Bagama’t umaani ng batikos mula sa mga “misinformed netizens” at partidistang grupo, iginiit ni Lacson na hindi siya natitinag sa laban kontra katiwalian at maling paggamit ng pondo ng bayan.
Aniya, bilang chairman ng kaniyang mga kasamahan sa Senado, panahon na raw para ipasa ang tungkulin sa iba kung sa tingin nila ay may mas makahahawak nang mas mahusay sa imbestigasyon.
Muli naman pinabulaanan ni Lacson ang mga paratang na pinoprotektahan niya ang ilang mambabatas, at tiniyak na magpapatuloy siya sa laban para sa katapatan sa serbisyo publiko. | via Ghazi Sarip
