P7K ayuda para sa 1 milyong magsasaka —House Speaker Dy

Tatanggap ng P7,000 na ayuda ang 1 milyong magsasaka sa taong 2026, ayon kay House Speaker Bojie Dy.

Ayon kay Dy, ito’y tulong pinansyal para sa mga magsasakang naapektuhan sa pagbaba ng presyo ng palay.

Alinsunod ito sa Executive Order No. 93 na nagsusupinde sa importasyon ng bigas upang protektahan ang mga lokal na magsasaka mula sa oversupply at mababang presyo, dagdag niya.

Ayon sa lider ng Kamara, nasa halagang P8 bawat kilo ang presyo ng palay sa kanyang lalawigan sa Isabela, na malayo sa P16 hanggang P18 na kakailanganin upang mabawi ang gastos ng mga magsasaka.

Giit ni Dy, bukod sa kabuhayan ng mga magsasaka, nanganganib din ang seguridad sa pagkain ng bansa kapag bumababa ang presyo ng palay.

Samantala, bibigyang prayoridad sa Kongreso ang pagpasa ng mga panukala na layong pataasin ang produksyon ng palay sa bansa. | via Andrea Matias

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *