DOJ Sec. Remulla, kabilang sa rekomendasyon ng mga aplikante bilang susunod na Ombudsman

Napabilang si Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla sa ipinasa ng Judicial and Bar Council (JBC) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mga pangalan ng kanilang rekomendasyon para sa magiging sunod na Ombudsman.

Bukod kay Remulla, kasama rin dito sina:

• Dating Commission on Audit Chairperson Michael Aguinaldo
• Retired Court of Appeals Justice Stephen Cruz
• Retired Supreme Court Associate Justice Samuel Gaerlan
• Deputy Executive Secretary Anna Liza Logan
• Retired Associate Justice Mario Lopez
• Sandiganbayan Associate Justice Michael Musngi

Ang mapipili ang papalit kay dating Ombudsman Samuel Martires na nagretiro noong July 27.

Matatandaang kahapon ay binatikos ni Senator Imee Marcos ang umano’y nakatakdang paghirang kay Remulla at sinabing ito ay isang kalapastanganan sa institusyon. | via Alegria Galimba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *