Tatlong malalaking international news agencies—Reuters, Bloomberg News, at Associated Press—ang sumigaw ng protesta matapos higpitan ng White House ang kanilang access sa pagbabalita kay President Donald Trump.
Pinagmalaki ni Trump na siya na mismo ang “tumatawag ng shots” sa media access, matapos alisin ng White House ang tradisyunal na kapangyarihan ng mga mamamahayag na pumili kung sino ang magko-cover ng presidential events.
Dati, may permanenteng pwesto ang tatlong wire agencies sa White House press pool, pero ngayon, isang upuan na lang ang pinaghahatian nila. Mas matindi ang nangyari ng Associated Press, na tuluyang tinanggal sa pool matapos nilang punahin ang pagpapalit ng pangalan ng Gulf of Mexico bilang “Gulf of America.”
Ayon sa AP, Bloomberg, at Reuters, delikado ito sa malayang pamamahayag at maaaring makasira sa pagkalat ng tamang impormasyon sa publiko at pandaigdigang merkado.
Ayon kay Katherine Jacobsen ng Committee to Protect Journalists, hindi ito usapin ng kaliwa o kanan—usapin ito ng access sa impormasyon at kalagayan ng demokrasya sa Amerika. – via Allan Ortega | Photo via thenation.com
3 international news agencies, nagprotesta
