Inamin ni Philippine Charity Sweepstakes Office Chief of Staff Jeremy Regino na dahil sa mga nasirang pangunahing daan, hindi magiging madali ang pagbibigay ng tulong at relief goods sa mga nasalanta ng bagyo sa Masbate at lindol naman sa Cebu.
Hamon din daw na maituturing ang pagkakapantay pantay ng distribusyon sa bawat bayan.
Gayun pa man, tiniyak ni Regino na aabot sa kanilang inaasahang araw at oras ang pagdating ng mga tulong sa ating mga kababayan sa Masbate at Cebu.
Lumarga ngayong araw ng Linggo ang PCSO Aid Caravan bitbit ang 18,220 Charitimba packs, 4,041 evacuation kits, 664 kahon ng gamot, at 7,974 karagdagang relief items ang caravan, na may kabuuang halagang โฑ6,027,876.25 at โฑ2.32 milyon na pledged cash support. | via Andres Bonifacio, Jr.
