PCSO Aid Caravan, umarangkada para sa mga nasalanta ng bagyo at lindol

Inilunsad ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), katuwang ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Light Rail Transit Authority (LRTA), ang isang nationwide humanitarian caravan patungong Cebu at Masbate upang tulungan ang mga komunidad na naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad.

Batay sa datos ng D8TV, may dalang 18,220 Charitimba packs, 4,041 evacuation kits, 664 kahon ng gamot, at 7,974 karagdagang relief items ang caravan, na may kabuuang halagang ₱6,027,876.25 at ₱2.32 milyon na pledged cash support.

Nilalayon ng PCSO Aid Caravan, na bumiyahe nitong Oktubre 5, 2025, na maihatid ang maagap at makataong tulong bilang patunay ng patuloy na pangako ng pamahalaan sa rehabilitasyon ng mga nasalanta. Ipinapakita rin nito ang tunay na diwa ng bayanihan—ang pagkakaisa ng mga ahensya, volunteers, at donors upang maabot kahit ang pinakamalalayong lugar. | via Andres Bonifacio, Jr.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *