DPWH nag-refer ng bid-rigging cases sa PCC

Dalawang kaso hinggil sa bidding ang pormal nang isinampa ng DPWH sa Philippine Competition Commission. Kabilang dito ang ilang contractors gaya ng Wawao Builders, IM Construction, SYMS Construction Trading, St. Timothy Construction, at mismong mga opisyal ng DPWH sa Bulacan at MIMAROPA.

Lumabas sa Senate at House hearings, pati na rin sa imbestigasyon ng COA at DPWH, ang umano’y sabwatan sa mga flood control projects. Umabot pa sa testimonya nina dating Usec. Roberto Bernardo at contractor Pacifico Discaya na may malalim na pagkakasangkot sa bid manipulation.

Ayon mismo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., labinlima lamang ang nakakuha ng 20% ng flood control projects sa nakalipas na tatlong taon, na katumbas ng mahigit P100 bilyon.

Kung maptuatunayan, posibleng umabot mula P110 milyon hanggang P250 milyon ang multa bawat insidente, at may pananagutan din ang mga opisyal ng DPWH bilang facilitators. | via Ghazi Sarip, D8TV News | Photo via DPWH/Facebook Page

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *