PCG, nagluluksa sa pagkawala ng tatlong kawani sa lindol sa Cebu

Nagluluksa ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pagkamatay ng kanilang tatlong personnel sa gumuhong San Remegio Sports Complex sa Cebu sa kabila ng 6.9 magnitude na lindol nitong September 30.

Ang nasawing mga tauhan ng PCG ay sina Seaman Second Class Lawrence Palomo, Apprentice Seaman Jujay Mahusay, at Apprentice Seaman Ert Cart Dacunes.

Agad naman silang itinakbo sa Bogo General Hospital ngunit hindi rin ito nakaligtas.

Ayon kay PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan, buo ang suporta at pakikiramay ng PCG sa pamilya ng mga nasawi, at patuloy nilang aalalayan ang mga mahal sa buhay ng kanilang mga kasamahan. | via Alegria Galimba, D8TV News | Photo via PCG

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *