Heart Evangelista, “fake news” ang pagkawala ng kanyang endorsements

Nanatiling matatag ang suporta ng fans at brand partners kay Heart Evangelista sa kabila ng tsismis na iniwan na raw siya ng ilang endorsements. Nilinaw ng GMA exec na si Atty. Annette Gozon-Valdes na walang kumpanyang kumalas kay Heart, habang naglabas din ng pahayag ang Sparkle GMA Artist Center na “FAKE NEWS ALERT!” laban sa kumalat na artikulo.

Nagsimula ang intriga matapos maiugnay si Sen. Chiz Escudero, asawa ni Heart, sa kontrobersyal na flood-control projects. Dito, kinuwestyon ang marangyang pamumuhay ng aktres. Pero giit ni Heart, hiwalay ang kanilang ari-arian dahil sa prenup na mismong pinayo ng yumaong Sen. Miriam Defensor-Santiago.

Sa social media, iginiit ni Heart ang kanyang pagiging independent at masipag na babae: hindi raw siya “asawang walang silbi.” Ipinaliwanag din niya ang pagliban sa Milan at Paris Fashion Week ngayong season, dahil mas mahalagang manatili at makiramay sa nangyayari sa bansa.

Nilinaw rin ng Kapuso star na hindi ito tuluyang pamamaalam sa fashion scene baka raw bumalik siya “next season.” | via Allan Ortega, D8TV News | Photo via MSN

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *