Inutusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga ahensya ng gobyerno na magtulungan upang mapabilis ang pagpasa ng Department of Water Resources (DWR) bill, na mahigit isang taon nang natengga sa Senado.
Sa isang Instagram post, sinabi ng Pangulo na nais niyang gawing mas malinaw at epektibo ang panukala upang matiyak ang maayos na regulasyon at suplay ng malinis na tubig sa bansa.
Naipasa na ng Kamara ang House Bill 9663 noong Disyembre 2023, ngunit wala pang aksyon mula sa Senado. Noong Setyembre, muling iginiit ni Marcos ang pangangailangan ng DWR upang mapahusay ang pamamahala sa irigasyon, basura, at sanitasyon.
Plano ng administrasyon na magsumite ng executive version ng panukala upang mapadali ang pagtalakay nito sa Kongreso. – via Allan Ortega | Photo via pna.gov.ph
PBBM pinaaapura ang Department of Water Resources Bill
