Nagbitiw na sa pwesto si Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co kasunod ng sunud-sunod na pagkakadawit sa umano’y anomalya sa flood control projects.
Ayon kay Co, mabigat man sa kanyang loob at hindi naging madali sa kanya ang desisyong ito ngunit ginawa pa rin siya sa kapakanan ng kanyang pamilya at mga taong kanyang pinaglilingkuran.



Sa kabila nito, hanggang ngayong araw lamang ang ibinigay na palugit sa kaniya ni House Speaker Bojie Dy para umuwi ng Pilipinas at harapin ang mga akusasyon.
Ilang beses din nasangkot ang kanyang pangalan na umano’y tumatanggap ng kickback mula sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at nagde-deliver pa ng male-maletang pera kay dating House Speaker Martin Romualdez.
Papalitan naman si Co ng 3rd nominee ng party-list na si Atty. Jan Chan.
