Ibinunyag ni Vice President Sara Duterte na hindi lamang sa flood control tumatanggap ng kickback si dating House Speaker Martin Romualdez kundi maging sa illegal gambling din.
Ayon pa kay VP Sara, matagal nang naging usap-usapan ang pagtanggap ng male-maletang pera ng kongresista.
Aniya, ngayon lamang ito lumabas matapos ibunyag ng isang testigo na mismong sila ang nagde-deliver ng mga maleta na may lamang pera kina Romualdez at Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.
Hindi rin umano ito bago kay Romualdez dahil nadawit na ito sa isang kaso sa America kaugnay sa “heavy luggages” sa Okada sa Delaware.
Samantala, hindi naman pinangalanan ni Duterte ang kanyang mga informants dahil sa posibleng panganib sa kanilang kaligtasan. | via Alegria Galimba
