Pondo ng OVP para sa 2026, aprub sa Senado

Aprubado na ng Senado ang panukalang budget ng Office of the Vice President (OVP) para sa susunod na taon.

Nitong Lunes, September 29, dumalo si VP Sara Duterte sa pagdinig ng Senado para sa inirekomendang P902.895 million pondo ng Department of Budget and Management (DBM) sa ahensya.

Mas mataas ito ng 21.33% kumpara noong 2025 budget.

Tiniyak naman ng bise presidente na ilalaan ang mga pondo sa Personal Services (PS), Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE), at Capital Outlay (CO) ng kanilang opisina.

Wala namang naging pagtutol mula sa mga miyembro ng komite sa pag-apruba ng pondo. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *