Naaresto kamakailan ang itinuturing na no. 1 pugante sa national level sa isinagawang manhunt operation ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kasama ang DSOU sa Muntinlupa City.
Sa isang press conference sa Philippine National Police (PNP) Camp Crame kanina, ayon kay P/Maj. Helen dela Cruz, may pabuya ang pagkakaaresto sa suspek na tinatayang P375,000 alinsunod sa DILG Memorandum Circular 2025-078.
Ang nasabing suspek ay kinilalang si Roberto Abiera Jr., tubong Davao at residente ng Purok 11, Sitio Masagana, Alabang, Muntinlupa City.
Batay sa ulat, lumipat ito sa Muntinlupa upang magtago.
Itinuturing umano na no. 1 most wanted ito matapos ang insidente noong Agosto 2021 kung saan binaril nito ang dalawang biktima sa isang karinderya sa Davao City.
Dagdag pa rito, napag-alamang gun for hire din ang nasabing suspek ngunit kalauna’y na-track ng CIDG tracker team at naaresto. | via Ghazi Sarip
