Mga guro, makakatanggap ng ₱1,000 insentibo sa Oktubre 5

Mahigit 950,000 pampublikong guro sa buong bansa ay tatanggap ng kanilang ₱1,000 World Teachers’ Day Incentive Benefit (WTDIB) sa Oktubre 5, ayon kay Eastern Samar Rep. Christopher Sheen Gonzales.

Naka-line item na ito sa 2025 budget at may special provision para matiyak ang release.


Kasama si House Minority Leader Marcelino Libanan, naghain si Gonzales ng House Bill 4531 na layong taasan sa ₱3,000 at gawing permanenteng appropriation ang benepisyo.

Aniya, hindi lang ito insentibo kundi patunay ng pasasalamat sa mga guro bilang gulugod ng edukasyon.


Samantala, inanunsyo ng Department of Education (DepEd) ang bagong Expanded Career Program (ECP) para bigyang-daan ang promotions ng mga guro kahit walang bakanteng posisyon.


Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, layunin nitong gawing mas patas at malinaw ang proseso: Dalawang career lines: Classroom Teaching (Teacher I–VII, Master Teacher I–V) at School Administration (Principal I–IV).


Puwedeng lumipat ng track isang beses, depende sa qualifications at assessments. Hindi na hadlang ang waiting period basta pasado sa standards, puwedeng ma-promote.


Diin ni Angara: “Kung handa ka, may pagkakataon kang umangat.” | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *