Pinag-aaralan ngayon ng Land Transportation Office (LTO) ang pagbibigay ng plaka direkta sa mga car dealer para iwas-abala sa mga motorista. Ayon kay LTO chief Vigor Mendoza II, nais nilang masimulan ang pilot run ngayong Marso kung papasa sa pag-uusap ng mga dealer.
Sa kasalukuyan, limang araw ang kailangan ng LTO para maglabas ng plaka at OR/CR ng bagong sasakyan, ngunit nais nilang bumilis pa ito sa loob ng 72 oras.
Para naman sa mga motorsiklo, posibleng may plaka na agad paglabas pa lang ng planta. Ngunit aminado si Mendoza na may backlog pa rin silang 9 milyong plaka, na target nilang bawasan sa 4 milyon pagsapit ng Marso at tuluyang matapos sa Hunyo. – via Allan Ortega | Photo via bworldonline.com
Target ng LTO: Bagong sasakyan, bagong plaka
