Nasawi sa mga nagdaang bagyo at habagat, umakyat na sa 27

Umakyat pa ang bilang ng mga nasawi at naapektuhan ng pananalasa ng mga nagdaang habagat at Bagyong Marisol, Nando, at Opong sa bansa ngayong Setyembre.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Lunes, Setyembre 29, umakyat na sa 27 ang bilang ng mga nasawi.

Apat dito ay kumpirmado habang 23 pa ang sumasailalim sa beripikasyon.

Patuloy ring bineberipika ang ulat sa 16 indibidwal na nawawala habang nananatili sa 33 ang bilang ng mga nasugatan.

Aabot naman sa 3.4 milyong indibidwal o higit 906,000 pamilya ang naapektuhan ng kalamidad.

Sa bilang na ito, mahigit 106,000 indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation center.

Naitala rin ang mahigit 16,000 kabahayan na napinsala sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Cordillera, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Patuloy namang nagsasagawa ng relief operations ang pamahalaan, kabilang ang pamamahagi ng family food packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *