Alex Eala, sinimulan na ang kampanya sa Suzhou WTA 125

Natalo si Alex Eala sa semifinal ng Jingshan Open kontra Lulu Sun nitong Sabado pero mabilis siyang bumawi at magsisimula agad ng kampanya sa Suzhou WTA 125 ngayong Lunes sa China.


Makakatapat niya ang Polish player Katarzyna Kawa sa Round of 32 alas-10 ng umaga, kung walang delay.

Huli silang nagharap noong 2022 sa W60 Templeton kung saan natalo si Eala.

Pero ibang laban na ngayon mula sa dating rank 252, umabot siya ng career-best 56th at kasalukuyang nasa 58th.


Si Kawa naman ay nasa 124th rank ngayon, malayo sa kanyang career-high na 112 noong 2020.
Matapos ang sunod-sunod na panalo kay Aliona Falei, Mei Yamaguchi, at Lu Jiajing sa Jingshan Open, bumigay si Eala sa tatlong set laban kay Sun.

Sa kabilang banda, galing si Kawa sa qualifiers ng China Open kung saan tinalo niya si Storm Hunter pero natalo rin agad sa ikalawang round. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *