Ibinunyag na ang bonggang wedding invitations nina Selena Gomez at Benny Blanco matapos silang ikasal sa isang star-studded ceremony nitong weekend.
Si Selena, 33, at ang fiancé niyang si Benny, 37, ay ikinasal nitong Sabado ng gabi sa isang 70-acre private estate sa hilaga ng Santa Barbara, California.
Matapos ang kasal, ibinahagi ng kumpanyang gumawa ng imbitasyon sa Instagram ang engrande at detalyadong disenyo ng wedding invites, na agad nag-trending. | via Allan Ortega
