Tatlong lalaki, kabilang ang isang Grade 12 student, ang naaresto sa Cebu nitong weekend sa magkakahiwalay na operasyon dahil sa ilegal na pagdadala ng baril.
Sa Liloan, Cebu Nahuli si alias “Jeri,” 18-anyos na estudyante noong Biyernes September 26, matapos maglabas ng 9mm Black Widow Taurus pistol habang tinutugis ng pulis.
Kasalukuyang hawak siya ng Liloan Police.
Samantalang Inaresto naman si “Kempang,” 33, noong sabado sa Barangay Mambaling, matapos ireklamo ng mga residente na hayagang naglalakad na may baril.
Nakumpiska sa kanya ang .38 revolver na walang serial number.
At gabi rin ng sabado nahuli rin si Kenneth Castano Veraque, 26, sa checkpoint sa Barangay Pari-an, matapos tangkaing tumakas.
May dala siyang .22 revolver na walang serial number.
Ang tatlo ay nakadetine ngayon at mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. | via Allan Ortega
