Isang maswerteng mananaya mula Mandaue City, Cebu ang nanalo ng jackpot sa Lotto 6/42 noong Sabado, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Tumama siya sa kombinasyong 21-29-12-11-24-05 at naiuwi ang halos ₱29.9 milyon.
Bukod dito, 94 bettors din ang nanalo ng tig-₱24,000 matapos makakuha ng lima sa anim na numero.
Ngunit ayon sa batas na TRAIN, may 20% buwis sa lahat ng panalong lampas ₱10,000.
Paalala ng PCSO, ang Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado. | via Allan Ortega
