Alex Eala, pasok sa Jingshan Tennis Open

Muling pinatunayan ni Pinay tennis sensation Alex Eala ang kanyang galing matapos makapasok sa semifinals ng 2025 Jingshan Tennis Open sa China

Sa unang set, muntik nang masilat si Eala matapos makalamang ang beteranang si Lu Jiajing ng China, 4-2.

Pero agad bumawi ang top-seeded Filipina, nakarekober, at tinapos ang set sa 6-4. Mas matindi pa ang ipinakita niya sa ikalawang set, 6-1, para tuluyang durugin ang kalaban.

Sa panalong ito, hindi pa rin nabibitawan ni Eala ang kahit isang set sa kanyang Asian swing. Susunod niyang makakaharap sa semis ang New Zealand bet na si Lulu Sun.

Target ni Eala ang ikalawang WTA title ngayong buwan matapos ang matagumpay na kampanya sa Guadalajara, at determinadong bumawi mula sa quarterfinal exit niya sa Sao Paulo. | via Ghazi Sarip, D8TV News | Photo via Alex Eala/Facebook

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *