14 kalsada sa Luzon at Eastern Visayas, sinara bunsod ng bagyo at habagat

Sinara ang Baguio-Itogon Road sa Sitio Goldfield, Barangay Poblacion, Itogon, Benguet bunsod ng pagguho ng lupa dahil sa Bagyong Opong.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), 14 national roads din ang hindi madadaanan ng anumang uri ng sasakyan sa Cordillera Administrative Region, Region I, Region II, at Region VIII dahil sa sunud-sunod na pagtama ng mga bagyo at habagat.

Samantala, nakahanda naman ang 3,194 personnel na may 631 kagamitan ng Quick Response Team ng DPWH.

Habang 384 personnel naman na may 75 kagamitan ang naka-deploy para sa clearing operations sa mga apektadong kalsada. | via Alegria Galimba, D8TV News | Photo via DPWH

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *