Heart procedure coverage itinaas ng PhilHealth

Magandang balita para sa mga may sakit sa puso! Itinaas ng PhilHealth ang coverage para sa open heart surgeries—abot P1 milyon na! May bagong package din para sa heart valve repair at replacement surgery na aabot sa P810,000.
Ayon sa datos, mahigit 129,300 Pinoy ang namatay sa sakit sa puso noong 2023. Kaya naman, nagdagdag ng mas malaking benepisyo ang PhilHealth para sa coronary artery bypass graft (P960,000), ventricular septal defect correction (P614,000), at tetralogy of Fallot surgery (P614,000).
Limitado lang sa ilang ospital ang bagong packages. Kasama sa benepisyo ang laboratory tests, gamot, at rehabilitasyon matapos ang operasyon.
Bagong pag-asa para sa mga Pinoy na may sakit sa puso! – via Allan Ortega | Photo via pna.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *