Itinaas na ng Department of Health (DOH) sa Code White Alert ang 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila nitong Huwebes, September 25.
Ito ay bilang paghahanda sa posibleng epekto sa pagtama ng Bagyong Opong.
Sa ilalim ng Code White Alert, nakahanda na ang mga ospital, health facilities at iba pang response team sa anumang emergency.
Nakaantabay na rin ang mga gamot, supplies, mental health and psychosocial support kits, at hygiene kits. | via Alegria Galimba, D8TV News | Photo via DOH
#D8TVNews #D8TV
