18 rebeldeng ekstremista sumuko sa Maguindanao Sur

Labing-walong dating miyembro ng Moro extremist groups ang sumuko sa militar sa Maguindanao del Sur nitong Miyerkules. Pagod na umano sila sa pagtatago mula sa mga operasyon ng militar.

Ipinakita ni Lt. Col. Christian Cabading ng 92nd Infantry Battalion ang mga sumuko at kanilang mga armas kay Maj. Gen. Ramon Zagala ng 2nd Infantry Division. Kabilang sila dati sa Dawlah Islamiyah (DI) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na aktibo sa mga bayan ng Datu Saudi Ampatuan, Shariff Aguak, at Mamasapano.

Bukod sa 18 armas na isinuko, 24 pang loose firearms ang nakolekta sa ilalim ng Small Arms and Light Weapons program. Kabilang dito ang RPGs, sniper rifles, grenade launchers, at iba pa.

Giit ng militar, ang kanilang pagsuko ay simbolo ng tapang, pagkakasundo, at pag-asa na makapagsimula muli kasama ang pamilya. Binigyang-diin ni Gen. Zagala ang kahalagahan ng edukasyon para tapusin ang karahasan at hinimok ang mga sumuko na tiyakin ang pag-aaral ng kanilang mga anak.

Pinuri rin niya ang 92IB sa pagpapatibay ng kapayapaan at tiwala ng mga komunidad. | via Allan Ortega, D8TV News | Photo Courtesy of 92IB

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *