Bagyong “Opong” lalong lumakas, isa nang ganap na severe tropical storm

Ayon sa PAGASA ngayong Miyerkules nang hapon, September 24, dahil sa patuloy na paglakas ng bagyong “Opong” isa na itong ganap na severe tropical storm at maaaring mag-landfall sa Southern Luzon bilang typhoon.

Ang severe tropical storm “Opong” na may international name na “Bualoi” ay patuloy na lumalakas habang ito ay nasa dagat pa, at ito ay may lakas na hangin na aabot mula 65 kph hanggang 85kph.

Ayon naman kay PAGASA Administrator Nathaniel Servando sa press conference kaninang umaga, na patuloy na naghahanda ang administrasyon para sa pagdaan ng bagyong Opong at pinapaalalahanan nila ang publiko na ito ay posibleng magdulot ng malawakang pagbaha, landslides, at storm surge. | via Kai Diamante, D8TV News | Photo via PAGASA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *